Matagal nang natapos ang gulong ito ng isinulat ko to. It took time for me to take this all in. I didn’t think I would actually write anything because I didn’t want to add to the already deafening noise.
Pero napilitan pa rin ako magsulat dahil sa isang lumitaw na issue na di ko mapabayaan. Hindi ko alam kung sino nagsimula ng laban, ayoko makisali sa usapang yun magulo yun. Hindi ko alam kung sino unang nanuntok, naglaro ng madumi, o utos ba ni Coach Reyes o ano man. Malay ba natin ang iniisip nila at kung paano sila mag rason sa sarili nila.
Ang isyu ko is this: Huwag niyong sabihin na ito ang ‘puso’ ng Pinoy.
When I used to play I played a lot. I played so much I was either doing two things: recuperating from various injuries or playing even more.
At ang isang bagay na natutunan ko sa taon-taong pagubos ng panahon ko sa paglalaro ng basketball ay ito – matalo man o manalo, mahal na mahal ko ang basketball. Saying ‘I love the game’ meant more than the game itself. It meant I loved the people I played with. I loved the time I spent playing it. I loved the court. I loved the actual air I am breathing on the court. I loved how my body ached after playing so much. I loved how I would try to recall every minute I played when I’m lying on my bed at night after playing it, looking forward to playing it again the next day.
And yes mahal ko pa rin ang game – matalo o manalo. Sa totoo lang walang kinalaman ang pagtatalo o pagpanalo sa pagmamahal mo sa laro. Ibig sabihin ba kung mahal mo ang game ay parati kang panalo? Kalokohan yun. In fact the biggest learning experiences I had in life was when we lost games. Dun mo makikita ang pagkatao at tunay na tapang ng isang tao. Yung natalo siya pero gagamitin niya ito para galingan pa niya lalo at lumitaw na mas matalino at mas mature na tao. Yun sa palagay ko ang totoong ‘winner’ in both sport and essentially in life.
So pag may nagsabi na kaya ka nakipagsuntukan ay dahil mahal mo ang game, at dapat pagbigyan ka dahil ipinapakita mo lang ang ‘puso’ mo, at ang ‘tapang’ ng Pinoy, ah eh kagaguhan yun.
Ang tunay na may puso ay may respeto sa kapwang manglalaro dahil naiintindihan niya na ang taong iyon ay nararanasan din ang pagmamahal niya sa parehong laro. Ang tunay na may puso ay walang ibang gustong gawin kundi maglaro ng basketball dahil gusto niya isubok ang husay niya laban sa iba, at kung naging mainit ang labanan ay hindi nito gugustuhin na matuloy ito sa suntukan dahil nga gusto lang niya maglaro ng basketball. Kung boksingero siya siguro ay maiintindihan ko pa – pero since wala namang layup, rebound at assists sa boksing ay sa basketball na lang sana ibuhos ang galing.
And finally huwag gawing rason na ang ‘tapang’ na sinasabi nila ay may kinalaman sa pagiging Pilipino. Pilipino ako, at marami akong kilalang Pinoy din na kumokontra sa ugali ng Philippine team sa larong ito. Hindi kami duwag, pero hindi rin kami tanga at lalong hindi dapat ikatuwiran ang baluktot na pagiisip.
Ito ang masasabi ko sa mga player na nangangatwiran at walang balak humingi ng pasensya:
If you really love the game you will conduct yourself with the respect and regard that you expect from others. Umasta ka ng tapat sa respetong gusto mo rin matanggap. Kung maayos ka sa isip at galaw walang tigil na respeto ang darating sa iyo. Pero kung ang pangangatwiran mo ay dahil sa sinasabi mong ‘puso’, at idinadamay mo ang kapwa mong Pinoy sa kabastusan mo – well you don’t love the game. You have a lot of maturing to do and you only answer for yourself.